0 notes
    Reblog

Ang Tanong( Fil post entry #3)

Ang tanong: Masasabi ba natin na kaya talagang punuin ng Pinoy ang kanilang puso?

Isang halimbawa ng katangiang Pinoy na pagpapapuno ang paggawa ng lahat para punuin ang bahay’t sala sa pamamagitan ng mga paglagay ng sining, larawan, at mga medalya ng pamilya. Pangalawa, pinupuno palagi ang dyip at linalagay mismo ng sandamakmak na dekorasyon. Pangatlo, pinupuno palagi ang plato at puno-puno mismo ang tao kapag kumakain. Kailangan busog siya at minsan nagiging kasalanan na.  Ginagawa ito ng mga pinoy dahil ito ang mga pamahiin o ito ang kasanayan talaga nila. Ginagawa rin ito ng mga Pinoy dahil ito ang nagbibigay kaligayahan sa kanilang buhay.

Kapag pinag-uusapan ang kaligayahan, bawat Pinoy ang gumagawa ng lahat ng kanilang makakaya bawat araw upang maging maligaya kaya nagtatrabaho at sumisikap ang bawat tao upang maghanap ng mas magandang buhay. Hinahanap ng bawat tao rin ang kaligayahan. Kung talagang masaya ang isang tao, punong-puno ang kanyang puso at umaapaw pa ito. Samakatuwid, punong-puno ang puso kung masaya talaga ang isang tao.

Ang problema sa tao kapag nakuha na ang tanging layunin, inaatupag pa ang mas mahirap na pangarap. Oo, nagiging maligaya ang isang tao pero sa mabilis na panahon lang. Nagiging malungkot rin pagkatapos at kaya maghahanap pa ng mga bagay na makakapagpaligaya sa kanya. Likas na makasarili ang tao at hindi basta-basta natatapos ang  kaligayahan at kagustuhan na mas marami. Sa tingin ng mga tao, mas maganda ang mas marami. Hindi nila naiisip na ang konti, sapat na siya. Na magiging masaya rin ang mga tao sa kaunti. Halimbawa, sa bahay, pwedeng ibenta na lang o ibigay ang mga di nagagamit na mga kagamitan tulad ng mga plato, at damit, imbes na nakatambak at naalibukan lang sa sulok ng bagay. Imbes na punong-puno ang plato, kumain na lang nang sapat, at ibigay ang natitira sa nangangailangan. Ito naman ang sinasabi ni Hesu Kristo diba? Na hindi madadala ang magagarbong kagamitan sa kalangitan kaya gamitin ang mga kagamitan upang magmahal ng ating kapwa habang nasa lupa.

Balik sa aking tanong, “Masasabi ba natin na kaya talagang punuin ng Pinoy ang kanilang puso?”

Oo, masasabi ko na kayang punuin ng Pinoy o maski sino pa man iyan ang kanilang puso. Oo kaya ito, pero mahirap na mahirap talaga ito. Kailangan talaga ng sakripisyo at pagtitiis dahil ito ang kabaligtaran sa likas ng tao. Ito ang sakripisyo na piliin ang kaunti kaysa sa marami at tinitiis ang temptasyon sa mga kagamitang hindi kinakailangan. Hindi ito ginagawa minsan-minsan lang kundi bawat araw at may totoong pagmamahal hindi lamang sa sarili kundi sa ibang tao.

Nagsisimula lang ito sa’yo.

 

0 notes
    Reblog

ANG INTELEKTUWALISASYON (FIL BLOG ENTRY #2)

"Ang intelektuwalisasyon ang prososo ng pag-aangat ng sarili nating language sa pang-angkademikong level

Ang intelektuwalisasyon ang pagsusulong na magamit ito sa iba ibang larangan example ang  business, social media, at iba pa. 

Ang intelektuwalisasyon ang paglaya ng language sa kawalan ng magagawa.”

….Teka tama ba toh? 

0 notes
    Reblog

FIL BLOG ENTRY #1

Pano kung ang pangunahing lengwahe na ikinalaki ay Ingles? Nakaiinis isipin na ang karamihan ng kabataan ngayon ay mga konyo. Sila ang mga konyo na hindi alam ang kaibahan ng salitang kaliwa at kanan. Sila ang konyo na likas mag-Ingles.

Pero ang tanong, kasalanan ba nilang ganyan sila at hindi sanay magtagalog? Pano kung ang pangunahing lengwahe na ikinalaki ng kabataan ay Ingles at hindi ang Filipino? Ipinanganak sila sa isang globalisadong mundo na ang Ingles unibersal na lengwahe. Ito ang ginagamit na lengwahe ng karamihan ng buong mundo upang magkaintidihan. Ito rin ang ginagamit kadalasan sa negosyo upang umasenso. Itong mundo ay puno rin ng teknolohiya na ginagamit ng pangkaraniwang tao. Sanay ang kabataan na makita ang mga sine at palabas sa salitang Ingles. Ang paboritong kanta nilang Justin Bieber ay nasa salitang Ingles. Sanay ang kabataan sa Ingles ang “Social Media.”

Siyempre gagayahin ng kabataan ang nakikita nila at kanilang tinatangkilik. Dito kasi sila sanay.

 Eh ano ngayon kung konyo pa rin ang kabataan? Mabubuhay pagtanda rin naman sila na hindi sanay sa Filipino. Maligaya sila sa Ingles at hindi naman sila nakasasakit ng tao diba? Ano ba ang problema dito?

Oo, hindi naman sila nakasasakit ng tao ngunit ang tanging kulturang Pinoy ang  sinasakit nila.Ang wika lang ang tanging madadala sa susunod na henerasyon at sayang naman ang kagandahan nito kung hindi ito ginagamit ng tao lalong-lalo na ang kabataan. Sino na ang makakapasa ng pagtatagalog kung  walang alam ang kabataan. Nakahihiyang isipin na hindi marunong magsalita ng sariling lengwahe ang mga Pinoy.

 Ito naman ang  mensahe ko sa kabataan: Pilitin ninyo mag-Tagalog. Nagsisimula ito sa inyong kagustuhan mag-Tagalog. Tangkilikin ang sariling wika. Manood ng sine sa Tagalog. Pakinggan ang mga OPM. Panoorin ang mga teleserye at lokal na balita sa TV. Gawin ang lahat ng makakakaya upang gumaling sa Filipino bawat araw. Nasa inyo yan.

73 notes
    Reblog
nba-nation:

Jordan wears #12 vs. the Magic as an “emergency uniform” during the 1990-1991 season after his uniforms were stolen from the visitors’ locker room. Wearing a jersey with no last name, Jordan scored a game-high 49 points in a victory over the Magic.
77 notes
    Reblog
yanilavigne:

(Quotes here)
herp:

bloqrate:

cravinqfood:

Bacon and Blue Cheese Fries :)

good shit omfg

good shit indeed
1 note
    Reblog

September 3rd, 1967, Stockholm, Sweden: The day Sweden changed from driving on the left to driving on the right.

finalblessing:

will smith everybody

(Source: burlingtons, via lost-inthepost)

potential-and-difference:

prop-215:

dazegetbrighter:

what if rocks are actually soft but just tense up when we touch them?

How stoned are you right now?

Was that a fucking pun?

(via heymichaelad)